Vendor hinatulan ng habambuhay, 14 taon naman sa killer ng maid
April 20, 2001 | 12:00am
Hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo ng Quezon City Regional Trial Court ang isang cigarette vendor dahil sa panggagahasa at pagnanakaw sa isang overseas contract worker na dalaga noong nakaraang taon.
Sa desisyon ni Judge Jose Catral Mendoza, inatasan nito ang akusadong si Rodrigo Luna, 34, ng Antipolo City na magbayad ng halagang P75,000 bilang danyos sa biktimang itinago sa pangalang Mila, 24. Inutusan din si Luna na ibalik sa biktima ang halagang P500 na ninakaw ng akusado noong maganap ang krimen.
Sa rekord ng korte, noong Hunyo 26, 2000 dakong alas-10:45 ng gabi habang si Mila ay naglakad sa harapan ng Camp Crame sa QC galing sa Soliven building ng biglang tutukan ng patalim at kunin ang pera ng biktima.
Sa takot ay ibinigay ng dalaga ang dala niyang P500, pero hindi pa dito natapos ang kalbaryo ng biktima dahil inutusan siya ng akusado na tumawid ng EDSA patungo sa isang madilim na lugar sa gilid ng Camp Aguinaldo at doon ginahasa.
Samantala sa Maynila, isa namang family driver ang pinatawan ng 14-taong kulong dahil sa pagpatay sa kasamahan niyang maid may dalawang taon na ang nakararaan.
Inatasan din ni Manila Regional Trial Court Judge Rodolfo Ponferrada ng Branch 41 na bayaran ng akusadong si Alvin Calma ang pamilya ng biktimang si Eileen Cueva ng P100,000 actual damages.
Sa testimonya ng isa pang houseboy na si Sonny Natividad, nakita niya si Calma na dala ang katawan ni Cueva noong umaga ng Peb. 9, 1998.
Si Calma ay hinatulan sa salang homicide sa halip na murder dahil sa kawalan ng malinaw na ebidensiya hinggil sa motibo ng krimen at sa pagkabigo ng prosekusyon na ipakita kung paano pinatay ni Calma ang biktima. (Ulat nina Angie dela Cruz/Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am