Re-appointment ng ex-POEA head, tinutulan
April 19, 2001 | 12:00am
Tahasang tinutulan ng religious organization ang muling pagkakatalaga ni dating Philippine Overseas and Employment Administrator (POEA) Atty. Reynaldo Regalado bilang labor attache ng Tokyo, Japan.
Ayon kay Bishop Ramon Arguelles, chairman ng Episcopal Commission for the Pastoral Care of Migrants and Itinerant People (ECMI) sa ilalim ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), hindi umano makatarungan para sa samahang katoliko ang muling pagkakatalaga kay Regalado matapos madiskubre ng una ang pagbabalewala umano nito sa simbahan ng tanungin ito hinggil sa isyu sa Taiwan.
Sinabi pa ni Arguelles na gumawa rin ng aksiyon si Regalado sa pamamagitan ng paghihiganti laban sa ilang ahensiya na naghahanda para tumulong sa simbahan upang maresolba ang lumalalang problema sa Taiwan, pero ibinigay ito ng huli sa ilang ahensiya na "kilabot" umano sa paggawa ng anomalya. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest