^

Metro

Coed na tumalon sa Pasig river, lumutang

-
Isang 19-anyos na coed na iniulat na nawawala at sinasabing tumalon sa Pasig river ang natagpuang lumulutang sa nasabing ilog sa Mandaluyong City.

Halos hindi na makilala ng kanyang mga kamag-anak ang bangkay ng biktimang si Regine Alob, computer technology student at residente ng JDM compound, Bgy. Tipas, Taguig.

Ang bangkay na nag-uumpisa nang maagnas at halos puputok na ang katawan dahil sa tubig na pumasok dito ay nakilala lamang sa suot nitong kulay asul na shorts at sleeveless t-shirt ng mamataang lumulutang sa naturang ilog sa may Bgy. Hulo.

Ayon kay PO3 Nolie Cortez, nabatid na nawawala si Alob noon pang nakaraang Linggo matapos itong magpaalam na bibisita sa tiyahin sa may #84 DM Tuazon st., Bgy. Kalawaan, Pasig City.

Agad na ipina-blotter ng kanyang tiyahin na si Vilma Diosana ang pagkawala ng biktima.

Nang mabalitaan na tumalon ito sa Kalawaan bridge dakong alas-7 ng umaga noong nakaraang Lunes, ay humingi ng tulong sa Philippine Coast Guard si Diosana para hanapin ang biktima pero hindi ito nakita hanggang sa matagpuan ang lulutang-lutang na katawan nito.

Napag-alaman pa kay Diosana na posible umanong nagdamdam ang biktima ng sermunan sa telepono ng kapatid nito hinggil sa namimiligrong pag-aaral ng biktima. (Ulat ni Danilo Garcia)

BGY

DANILO GARCIA

DIOSANA

KALAWAAN

MANDALUYONG CITY

NOLIE CORTEZ

PASIG CITY

PHILIPPINE COAST GUARD

REGINE ALOB

VILMA DIOSANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with