Ex-pulis todas sa ambush
April 19, 2001 | 12:00am
Isang dating pulis ng Central Police District ang pinagbabaril matapos tambangan ng di kilalang salarin habang naglalakad ang biktima kahapon ng umaga sa Quiapo, Maynila.
Kinilala ni Western Police District-Homicide Section C/Insp. Johnny Taluban, ang biktimang si ex-PO3 Renato Palma, 36, may asawa, ng #913 Padilla st., Quiapo.
Ayon sa saksing si Lea Bien, 20, isang estudyante, abala siya sa pagluluto ng pananghalian ng makarinig siya ng dalawang magkasunod na putok ng baril. Nang silipin niya sa kanilang bintana ay nakita niya ang biktima na nakabulagta sa bangketa na may tama ng baril sa mukha.
Sa ginawang pagsisiyasat ng pulisya, nabatid na si Palma ay may nakabinbing kaso ng robbery extortion at nakalaya lamang kamakailan matapos magpiyansa.
Nasibak ito sa tungkulin may ilang buwan na dahil sa pagiging AWOL at noong nakaraang Marso 27 ay inaresto ito ng mga tauhan ng Plaza Miranda detachment matapos ituro ng nabiktima niyang si Bernardo Abragante.
Malaki ang paniwala ng pulisya na may kinalaman ang pamamaslang sa ginagawa umanong pangingikil ng biktima sa mga kilalang courier ng droga sa Quiapo na kanyang inaaresto matapos magpakilalang pulis. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended