^

Metro

Pupugutang Pinoy sa Oman maisasalba; PAGCOR nagbigay ng P1.3-M blood money

-
Maisasalba na ang buhay ng isang overseas Filipino worker (OFW) sa Muscat, Oman na napipintong mapugutan ng ulo makaraang magpalabas ng P1.3 milyon ang Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) para pambayad sa blood money na hinihingi ng biyuda ng napatay nitong Indian national.

Nauna nang ipinaabot ni Abida Azni, biyuda ng Indian na si Amiz Azni, na maililigtas lamang ang buhay ng Pinoy OFW na si Ramil Angeles, kung maibibigay sa kanya ang naturang halaga.

Ayon kay Atty. Raul Dado ng Office of Legal Assistance for Migrant Workers Affairs (OLAMWA), ito umano ang unang pagkakataon na nagbigay ng tulong pinansiyal ang PAGCOR.

Sinabi ni Dado na nakatakdang lumuwas ngayong Abril 22 si Atty. Gil Salceda ng OLAMWA para sa pormal na pagbabayad na idadaan sa embahada ng New Delhi.

Ayon naman kay Dado, kahit nakapagbigay ng blood money, hindi nangangahulugan na makakalaya na si Angeles dahil ang pagkakapugot lamang ng ulo o buhay nito ang maisasalba dahil magsisilbi pa ito ng 15 taong pagkabilanggo sa Oman.

Pero sinabi ni Dado na madali na umanong lakarin ang tuluyang kapatawaran ni Angeles at posibleng pagpapalaya sa kanya. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

ABIDA AZNI

AMIZ AZNI

AYON

GIL SALCEDA

MIGRANT WORKERS AFFAIRS

NEW DELHI

OFFICE OF LEGAL ASSISTANCE

OMAN

PHILIPPINE AMUSEMENT AND GAMING CORP

RAMIL ANGELES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with