^

Metro

Disqualification vs Atienza isinampa sa Comelec

-
Nahaharap sa kasong disqualification at pitong uri ng paglabag sa Omnibus Election Code si incumbent Manila Mayor Lito Atienza matapos ipagharap ng reklamo hinggil sa umano’y vote-buying, coercion of subordinates at paggamit ng pampublikong pondo o government-owned facilities para sa eleksiyon.

Sa 10-pahinang reklamong isinumite sa Comelec ni Atty. Amando Tetangco, kandidato bilang konsehal ng Unang Distrito ng Maynila, binanggit nito na noong mga petsa ng Marso 23, 24, 25, 27, 28 at 29 taong kasalukuyan ay tinipon umano ni Atienza sa City Hall ang mga barangay chairmen mula sa 897 barangay ng Maynila kasama ang mga councilmen at tanod at kumontrata ng catering sa "Ihaw-ihaw, Kalde-kaldero, Kawa-kawali at Aawitan Kayo Rest." para sa pagkain at inumin ng mga ito na nagkakahalaga ng P1,687,877.50.

Sinabi ni Tetangco na ang anim na araw na "fellowship" ay sinasabing paglabag umano ni Atienza dahil itinaon ito sa nalalapit na eleksiyon.

Ayon pa kay Tetangco, tinipon ni Atienza noong Pebrero 23 at 24 ang mga kabataang botante ng lungsod at umabot sa P190,700 ang ginastos bukod pa sa P55,000 para sa give-away items.

Mula Marso 27-29, isa pang pagtitipon ang ginawa naman sa Subic Bay, Olongapo City kung saan isinama ang mga youth leaders ng NGOs at Sangguniang Kabataan chairmen at gumastos ng P163,000.

Noong Marso 10 at 11, pinulong ang mga local elective officials para umano sa isang leadership training seminar sa Tagaytay City at gumastos ang lungsod ng P125,115.

Sa isa pang reklamo, nagdaos ng political rally ni Atienza sa Plaza Miranda noong Abril 10 at para dumami ang mga tao sa nasabing lugar ay nagbaba umano ito ng memorandum na kailangang dumalo ang mga City Hall employees sa nasabing pagtitipon na inireklamo naman ng mga empleyado ng City Hall. (Ulat nina Andi Garcia/Jhay Mejias)

AAWITAN KAYO REST

AMANDO TETANGCO

ANDI GARCIA

ATIENZA

CITY HALL

JHAY MEJIAS

MANILA MAYOR LITO ATIENZA

MAYNILA

MULA MARSO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with