3 mayoralty candidate sa Pasay City nagkaisa
April 16, 2001 | 12:00am
Tatlong magkakalabang mayoralty candidate at isang tumatakbong kongresista sa Pasay City ang nagkakampi-kampi upang magsagawa ng mahigpit na pagbabantay sa posibleng dayaan na magaganap sa nabanggit na lungsod sa darating na halalan sa Mayo.
Ito ay sina Ding Santos, PDP LABAN; Pasay City Vice Mayor Greg Alcera, People Power Coalition (PPC), LAKAS-NUCD at Romulo Marcelo, Independent, pawang magkakalabang kandidato sa pagka-alkalde at dating Department of Tourism (DOT) Secretary Mina Gabor, kandidato sa pagka-kongresista sa ilalim ng partido ng Action Demokratiko at REPORMA.
Ang nabanggit na tatlong mayoralty candidate ay nagkaisang pumayag na i-seal ng Commission on Election (COMELEC) sa pamamagitan ng packing tape ang lahat ng mga ballot boxes sa darating na halalan upang higit na maiwasan ang dayaan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended