^

Metro

Driver 3-araw nag-fasting, dedo

-
Hindi akalain ng isang 26-anyos na company driver na ang ginawa nitong pag-aayuno ng tatlong araw ang magiging sanhi ng maaga nitong kamatayan kamakalawa ng gabi sa lungsod ng Valenzuela.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Loreto Simatad, namamasukan sa JV-JV Enterprises at residente ng 24 Mallari St., Dasmariñas, Cavite.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na dakong alas-7 ng gabi kamakalawa nang matagpuan ng kanyang kaibigan ang bangkay ng biktima sa loob ng kanyang silid sa pinapasukang kompanya.

Ayon sa ulat ng pulisya, bago mamatay ang biktima ay naikuwento nito sa isang kaibigan na nag-ayuno siya ng tatlong araw dahil sa paggunita sa Mahal na Araw.

Subalit pagkatapos nitong mag-ayuno ay kaagad itong kumain ng marami at nakipag-inuman pa bago matulog sa naturang lugar.

May teorya ang pulisya na ang pagkain ng marami ng biktima at nagmamadaling matulog ang naging dahilan upang ito ay bangungutin at hindi namalayan ng kanyang mga kasamang driver na nag-iinuman naman sa labas ng nasabing lugar.

Sa kasalukuyan ay patuloy pa ring sinisiyasat ng pulisya ang pangyayari kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima. (Ulat ni Rose Tamayo)

ARAW

AYON

CAVITE

DASMARI

KINILALA

LORETO SIMATAD

MALLARI ST.

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with