^

Metro

Adik naghamon, namaril: 1 katao patay, dalagita sugatan

-
Isang tricycle driver ang napatay habang nasugatan naman ang 13-anyos na anak nitong dalagita ng magwala at mamaril ang isang drug addict kahapon ng madaling araw sa Tandang Sora, Quezon City.

Nasawi si Bernardo Obniala, 39, ng #171 Alcantara compound, Banlat, Bgy. Tandang Sora matapos tamaan sa baywang habang ginagamot naman sa Kasual General Hospital ang anak nitong si Bernadette, 13, na nagtamo ng dalawang tama sa katawan.

Tinutugis na ang suspek na nakilala lamang sa pangalang Michael.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-3:45 ng madaling araw kahapon ng biglang maghamon ng away ang suspek na nasa impluwensiya ng droga at armado ng kalibre .45.

Sa puntong ito ay walang habas na nagpaputok ng baril ang suspek at tinamaan ang naglalakad na mag-ama na noo’y pauwi na.

Nang makitang tinamaan niya ang mag-ama na bumulagta ay agad tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo na walang plaka. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

BANLAT

BERNADETTE

BERNARDO OBNIALA

BGY

ISANG

KASUAL GENERAL HOSPITAL

NANG

QUEZON CITY

RUDY ANDAL

TANDANG SORA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with