Pumatay ng ama tiklo sa di pagbabayad ng inutang na isda
April 15, 2001 | 12:00am
Isang 29-anyos na parolado na may limang mabibigat na kaso sa lalawigan ng Tarlac ang muling inaresto kahapon ng mga alagad ng batas matapos magtago sa lungsod ng Makati dahil naman sa pagpatay sa sariling ama noong Marso taong kasalukuyan.
Kinilala ni P/Insp. Tolentino Manuel, Precint commander ng Police Community 8, Makati police, ang suspek na si Roel Grande alyas Gardo, binata, tubong Marawi, Camiling. Pinatay nito sa saksak ang amang si Dominador.
Ayon kay Insp. Manuel, bandang alas-9:30 kahapon ng umaga ng kanilang madakip ang suspek hahang natutulog sa pinagtataguang bahay sa squatters area ng J.P. Rizal extension, bgy. Comembo nabanggit na lungsod.
Bago ang pagkaaresto kay Grande, isang vendor na si Bayani Suarez ang nagreklamo laban sa suspek matapos siyang hindi bayaran ng inutang na isang banyerang isda na nagkakahalaga ng P2,000 noong Enero 2001.
Nagtago si Grande hanggang sa mabalitaan ng complainant na si Suarez na ang suspek ay muling bumalik sa nasabing lugar at madiskubre rin na wanted ito sa pagpatay sa sariling ama.
Nang maaresto ng rumespondeng mga awtoridad, kinatwiran ng suspek na kaya niya pinatay ang kanyang tatay ay naghiganti lamang umano ito dahil maliit pa lamang siya ay pinagmamalupitan na siya ng ama.
Nabatid pa na ang suspek ay may limang mabibigat na kaso, tulad ng murder, frustrated homicide, pagnanakaw at agaw-armas sa kanila pa ring probinsiya sa Tarlac. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest