^

Metro

GRO natodas sa pakikipagtalik

-
Isang 34-anyos na umano’y guest relations officer (GRO) ang nasawi matapos na manikip ang kanyang dibdib at tumirik ang mga mata nito dahil sa tindi ng romansang iginawad ng kanyang lalaking kaniig sa loob ng isang mumurahing motel sa Sta. Cruz, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Hindi na umabot pang buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktima na nakilalang si Zenaida delos Ciento, dalaga, at nakatira sa #1351 M. Natividad st., Sta. Cruz, nasabing lungsod.

Kinilala naman ng pulisya ang katalik umano ng nasawing biktima na nakilala lamang sa alyas Ernesto.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng Western Police District Homicide Division, bandang ala-una ng madaling-araw nang maganap ang di-inaasahang insidente sa Room #19 ng Omigo Lodge na matatagpuan sa 1348 Rizal Avenue, Sta. Cruz.

Sa salaysay ng mga kawani ng nasabing lodge, pumasok ang biktima kasama ang lalaki na tila bagong kasal dahil sa sobra nilang lambingan habang papasok sa ibinigay sa kanilang kuwarto.

Pero ilang minuto lamang ang nakakalipas ay mabilis na nakitang lumalabas ng kanilang kuwarto ang lalaki na nagmamadali at duguan mula sa kalmot na inabot nito sa kanyang likuran na pinaniniwalaang nagmula sa pagkalmot ng kuko ng babae.

Sa hinalang may naganap na di-kanais-nais, agad na kinatok ng isang roomboy ang kuwarto pero walang sumasagot at nagbubukas ng pinto.

Dahil dito, ipinasya ng mga staff doon na buksan na lamang ang nasabing silid sa pamamagitan ng hawak nilang susi.

Labis naman silang nagulat nang makitang nakahandusay ang hubo’t hubad na babae at hindi na humihinga.

Nagtulung-tulong naman ang mga roomboy sa naturang motel at dinala sa nasabing pagamutan ang biktima subalit idineklarang dead-on-arrival ito ng mga manggagamot.

Ipinalalagay ng pulisya na bunga ng matinding kasabikan at tensyon sa pakikipagtalik ay nanikip ang dibdib ng biktima hanggang sa malagutan ng hininga.

Kasalukuyang pinaghahanap ng pulisya ang lalaking katalik ng biktima na tinakbuhan na lamang basta ang babae. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

BATAY

BIKTIMA

CIENTO

CRUZ

DAHIL

ELLEN FERNANDO

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

OMIGO LODGE

RIZAL AVENUE

WESTERN POLICE DISTRICT HOMICIDE DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with