^

Metro

Lider ng frat tinodas dahil tumangging makipag-away

-
Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang umano’y lider ng fraternity ng kanyang mga kalabang grupo matapos na tumanggi ang una sa hamong away ng huli, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan sanhi ng tinamong mga tama ng bala ng sumpak sa katawan ang biktimang si Cris Cielo, ng Dagat-Dagatan, Malabon at sinasabing lider ng Never Peace Guide (NPG) fraternity.

Patuloy namang pinaghahanap ng pulisya ang suspect na si Cherry Angeles, 26, lider naman ng 99G fraternity.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-8:45 ng gabi nang maganap ang insidente sa panulukan ng C-4 Road at Sabalo St. sa Dagat-Dagatan.

Bago naganap ang krimen ang biktima kasama ang kanyang mga barkada na sina Gener Ohayon at Jerico Alvire ay nagkukuwentuhan sa naturang lugar ng biglang dumating ang grupo ng suspect na noon ay bangag sa droga kasama ang ilan pang kabataan at hinamon ng away ang grupo ng una.

Tumanggi naman ang biktima sa hamon dahilan sa alam nito na mayroong kargadang armas ang huli.

Nainis ang suspect sa pagtanggi ng biktima kaya bigla na lamang pinagbabaril nito ang huli at pagkatapos ay mabilis na nagsitakas. (Ulat ni Gemma Amargo)

CALOOCAN CITY

CHERRY ANGELES

CRIS CIELO

DAGAT-DAGATAN

GEMMA AMARGO

GENER OHAYON

JERICO ALVIRE

MALABON

NEVER PEACE GUIDE

SABALO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with