^

Metro

4 holdaper natakasan na ng biktima, nasakote pa

-
Bumagsak sa kamay ng pulisya ang apat sa pitong notoryus na holdaper na matagal nang nag-ooperate sa Mandaluyong City matapos na makatakas ang kanilang huling biktimang driver at makahingi ng saklolo sa nagpapatrulyang pulis, kamakalawa ng tanghali.

Nakilala ang mga nadakip na suspek na sina Lener Morales, 30, ng Baltazar st., Pasig City; Bonifacio Morales, 32, ng Esguerra st., Pasig City; Mario Dulay, 28, ng Block 6 Lot 4 City Homes Subd., Dasmariñas, Cavite; at Roberto Santos, 27, ng San Jose del Monte, Bulacan. Hindi pa nakikilala ang tatlo nilang kasamahan na nakatakas.

Nagtamo naman ng mga galos at pasa sa katawan ang biktimang si Cesario Papellero, 37, ng #31 Makaturing st., Mandaluyong City dahil sa ginawa niyang pagtalon sa kanyang Isuzu Highlander taxi (TES-733). Masuwerte rin itong nakaligtas sa kamatayan matapos na hindi tamaan nang barilin siya ng mga suspek habang hinahabol siya.

Base sa imbestigasyon, isinakay ng biktima ang pitong suspek sa tapat ng National Bookstore sa may EDSA Central, Mandaluyong City patungong Quiapo dakong alas-12 ng tanghali. Nang makarating sa Bgy. Wack-Wack, dito na nagpahayag ng holdap ang mga suspek.

Habang tumatakbo ang sasakyan, lakas-loob namang tumalon sa pinto si Papellero at inihagis ang susi ng sasakyan sa malayo bago nanakbo. Dito na siya sumigaw ng saklolo na napansin naman ng isang nagpapatrulyang police mobile.

Nanakbo ang biktima patungo sa isang construction site sa naturang lugar at hinabol pa ng mga suspek. Isa sa mga ito ang nagpaputok ng baril pero sumablay at hindi tinamaan ang biktima.

Dito naman nasakote ang apat na suspek ng mga pulis habang nakatakas ang tatlo. Nakumpiska sa mga suspek ang isang kalibre .22 na baril at dalawang kalibre .38 rebolber.

Ayon sa pulisya, ang naturang grupo umano ang siyang responsable sa sunud-sunod na holdapan sa ibabaw ng EDSA-Shaw flyover sa mga taxi at pampasaherong jeep. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

BONIFACIO MORALES

CESARIO PAPELLERO

CITY HOMES SUBD

DANILO GARCIA

DITO

ISUZU HIGHLANDER

LENER MORALES

MANDALUYONG CITY

PASIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with