Big-time pusher ng Tondo, 7 pa tiklo sa buy bust
April 8, 2001 | 12:00am
Walo katao kabilang ang isang kilabot na pusher ng Tondo ang nasakote ng mga kagawad ng Caloocan police-Drug Enforcement Unit (DEU) matapos magsagawa ng operasyon sa magkakahiwalay na lugar, kahapon ng madaling araw sa nasabing lungsod.
Kinilala ni Supt. Benjardi Mantele, Caloocan police director ang naarestong sina Joel Arocena, 25, ng Juan Luna st., Tondo; James Yu; Joseph Cabasal; Noel Emeria; Samuel Paypay; Alvin Morales; Rodelio Feliciano at Michael Cama, pawang taga-Malaria, Caloocan.
Ayon kay Sr. Insp. Antonio Yarra, DEU chief, si Arocena na tinuturing na kilabot na drug pusher sa lugar nito sa Tondo ay nakumpiskahan ng 100 gramo ng shabu sa isang buy-bust operation.
Samantala ang pito pa ay nasakote habang nagpa-pot session sa #166 Gumamela st., Malaria makaraang isang residente ang nag-tip na ginagawang hithitan ng shabu ang naturang bahay. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended