^

Metro

Hindi nabigyan ng bonggang kasal ang nobya, binata nagpakamatay

-
Dahil sa inabot na matinding kahihiyan matapos na mabigong maibigay ang hinihinging marangyang kasal ng kanyang kasintahan, isang 22-anyos na binata ang nagbigti sa Paco, Maynila.

Si Jayson Suyat, sales representative ng motorcycle company at residente ng #1665 Int. 40 Linao st., Paco ay natagpuang nakabitin sa kanyang kuwarto na may nakapulupot na tela sa leeg.

Lumilitaw na malapit na umanong ikasal si Suyat matapos na mabuntis nito ang kanyang nobya.

Bagaman hindi tumutol ang biktima sa takda nitong pagpapakasal ay labis nitong pinroblema ang hinihinging bonggang kasalan ng kanyang magiging mga biyenan na isa umano sa mga kondisyones.

Kamakalawa ng alas-12:30 ng hapon huling nakitang buhay ang biktima nang umuwi ito ng bahay na malungkot na hinihinalang ang nalalapit niyang kasal ang dahilan. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

BAGAMAN

DAHIL

ELLEN FERNANDO

KAMAKALAWA

LINAO

LUMILITAW

MAYNILA

SI JAYSON SUYAT

SUYAT

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with