^

Metro

Customs employee nagbaril matapos mapatay si misis

-
Matinding selos ang nagtulak sa isang empleyado ng Bureau of Customs (BoC) para barilin at mapatay ang kanyang balikbayang misis, bago ito nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa sentido, kahapon ng umaga sa Muntinlupa City.

Dead-on-the-spot sanhi ng tama ng bala ng kalibre .38 baril sa ulo ang suspek na si Edwin Rapuson, may sapat na gulang, company guard sa BoC, dating nakatira sa Blk 6 Lot 22 Phase 3 Mutual Homes subd., nabanggit na lungsod.

Samantala, namatay habang ginagamot sa Muntinlupa City Medical Center si Violeta Rapuson, 25-30 ang edad, operation manager sa hindi binanggit na shipping lines at residente ng nabanggit na lugar. Nagtamo ito ng mga tama sa braso at ulo buhat sa nabanggit na kalibre ng baril.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PO2 Felix Paor, si Violeta ay kararating lamang kamakalawa ng gabi buhat sa California, USA. Ang mag-asawa ay matagal na umanong hiwalay, pero di nabatid kung may kani-kaniya nang pamilya.

Nang mabalitaan umano ng lalaki na dumating ang dating asawa kamakalawa, inabangan niya ito dakong alas-8:15 kahapon ng umaga sa may Caltex station sa kanto ng Soldiers Hills at Putatan road.

Nagkataon namang sakay ang biktima sa isang nakaparada at naghihintay na pampasaherong jeep at natiyempuhan ng lalaki kaya kinausap niya ang babae pero nauwi sa pagtatalo ang pag-uusap hanggang sa paputukan nito ang babae at ng makitang nakabulagta na ang babae ay saka ito nagbaril. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BUREAU OF CUSTOMS

CALTEX

EDWIN RAPUSON

FELIX PAOR

LORDETH BONILLA

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA CITY MEDICAL CENTER

MUTUAL HOMES

SOLDIERS HILLS

VIOLETA RAPUSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with