^

Metro

Tsinoy tiklo sa pagbebenta ng nakaw na computer monitors

-
Isang hinihinalang sangkot sa pagbebenta at paghuhuwad ng brand name ng mga computers ng isang kumpanya ang inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation kasabay ng pagkakakumpiska ng may 33 units ng computer monitors sa isinagawang raid sa isang gaming network station sa Quezon City kamakalawa.

Nadakip si Edwin So, 33, corporate secretary ng EURO Computer na nasa 700-A Banawe st., Quezon City matapos humingi ng tulong sa NBI ang isang Chuck Lin, vice president ng SAMPO Technology (Phils), Inc., isang Taiwanese firm na may sangay sa Clark Field Economic Zone sa Pampanga.

Ayon kay Lin, umaabot sa 710 computer colored monitor products na nagkakahalaga ng P6,000 na may brand name na SAMPO.NTC, V7 at SYLVANIA na dinadala sa United States at Germany ang nawala at nahuhuwad ang orihinal na brand name nito ng isang malaking sindikato sa magkakahiwalay na pagkakataon noong Oktubre 7, 2000 at Enero 31, 2001.

Nadiskubre ang pagkawala ng mga unit ng buksan ng mga consignees ang container vans at malaman na napalitan ng mga hollow blocks ang mga computer monitors.

Sa imbestigasyon ni NBI-Anti Organized Crime Division na pinamumunuan ni Atty. Samuel Fiji, si So ay nagbenta ng may 36 units ng SYLVANIA-19 inches computered monitors na nagkakahalaga ng P6,000 kada unit sa Tactical Zone, isang computer gaming station na nasa #289 G. Araneta Ave., QC.

Nang suriin ang mga units ay tumutugma ito sa mga serial numbers ng nawawalang computer monitors noong Oktubre 7, nakalipas na taon. (Ulat ni Ellen Fernando)

A BANAWE

ANTI ORGANIZED CRIME DIVISION

ARANETA AVE

CHUCK LIN

CLARK FIELD ECONOMIC ZONE

EDWIN SO

ELLEN FERNANDO

ISANG

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with