Anak ng piskal todas sa ambush
April 4, 2001 | 12:00am
Isang 20-anyos na binata na anak ng isang piskal sa Maynila ang napatay sa isang ambus, kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.
Dead on arrival sa Com Care Clinic ang biktimang si Francis Orda, nakatira sa #34 Vietnam st., Better Living subd., Bgy. Don Bosco nabanggit na lungsod na nagtamo ng mga tama sa ulo at leeg buhat sa kalibre 9mm baril. Si Orda ay anak ni Prosecutor Domingo Orda Jr., ng Manila Prosecutor’s Office.
Samantala blanko pa ang pulisya sa tatlong suspek na mabilis tumakas matapos ang pamamaslang.
Naganap ang pananambang dakong alas-6:30 kamakalawa ng gabi sa kanto ng Saudi Arabia at Sierra Leon streets, nabanggit na subdivision. Pauwi na ang biktima matapos ihatid ang isang pulis na nagbabantay sa kanilang bahay at pagbalik nito sakay ng kanyang Mitsubishi Lancer na kulay green at may plakang TEM-427 ay pinagbabaril ang batang Orda ng tatlong kalalakihan na sakay ng hindi nabatid na sasakyan.
Napag-alaman na may death threats ang matandang Orda at noong nakaraang taon ay tinambangan na ito ng ilang kalalakihan, pero ang tinamaan ay ang isa nitong anak na kasama niya na nakaligtas.
May hinala ang pulisya na ang matandang Orda ang talagang target ng mga salarin at pinaniniwalaang ang insidente ay may kaugnayan sa mga kasong hinahawakan nito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended