Date ng mag-syota nauwi sa ospital
April 3, 2001 | 12:00am
Hindi akalain ng mag-syota na sa isang ospital nila gaganapin ang kanilang date, matapos na tamaan at masugatan ang mga ito ng mga bato at salamin mula sa pumutok na baril ng isang pulis kamakalawa ng gabi sa Baclaran, Parañaque City.
Kapwa ginagamot sa San Juan de Dios Hospital, Pasay City ang magkasintahang sina Julius Marie, 27, binata, guwardiya, ng Fortunata Village, San Antonio Valley 2, nabanggit na lungsod at Anna Liza Tano, 23, dalaga, ng nasabi ring lugar.
Kusang-loob namang sumuko ang suspek na si PO1 Jonathan Baluyot, 24, taga-Pamplona, Las Piñas City, nakatalaga sa Presinto 7, ng Pasay City Police.
Sa imbestigasyon ni SPO4 Bernard Mendoza, ng Presinto 1, Parañaque City Police, dakong alas-8:30 kamakalawa ng gabi sa Redemptorist Road, Baclaran, habang naglalakad ang mga biktima sa kahabaan ng Roxas Blvd. sa LRT station papunta sa lugar ng kanilang date.
Nagkataon namang nagkakagulo sa nasabing lugar kung saan rumesponde ang pulis na si Baluyot para alamin at payapain ito at nang bubunutin na niya ang kanyang service firearm para mag-warning shot ay bigla itong pumutok na naging dahilan para tamaan ang isang establisimiyento.
Dahil dito, sumabog ang mga salamin at maliliit na bato na tumama sa mag-syotang naglalakad.
Dahil sa insidente, sa ospital nauwi ang nakatakdang date ng dalawa. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest