^

Metro

Pick-up girl lamog sa kostumer

-
Dahil sa patakarang "bayad muna bago sex," inumbag ang ulo at pinaggugulpi ang isang 23-anyos na bayarang babae ng kanyang kostumer dahil sa pagiging makulit nito makaraang hingin muna niya ang bayad sa kanyang serbisyo kamakalawa ng gabi sa isang motel sa Rizal Avenue, Sta. Cruz, Maynila.

Natagpuan na lamang ang biktima na itinago sa pangalang Jenny, may asawa, ng Trinidad st., Sta. Cruz, ng isang roomboy sa Wise Motel sa Avenida na duguan ang ulo at pasa-pasa ang buong katawan at walang malay sa loob ng comfort room ng isa sa mga silid sa nasabing motel.

Samantala, nasabat naman ng isang roomboy sa nasabing motel ang papatakas na suspek na si Edwin Ebanghello, 27, binata, at nakatira sa #474 Palawan st., Pitogo, Makati City.

Sa salaysay ng biktima, dakong alas-10 ng gabi nang magkasundo sila ng suspek sa halagang P300 para sa kanyang sex service sa huli hanggang sa humantong ang mga ito sa nasabing motel.

Magkasabay silang pumasok at nag-check-in sa Room 201 at inabot sila ng dalawang oras. Hinintay umano ng biktima ang kabayaran ng kanyang serbisyo, subalit laking gulat niya nang bigla siyang dinala sa comfort room at saka siya sinakal at inihampas sa pader.

Inakalang patay na ang ginang nang takasan ito ng suspek at nagawang kunin pa ng suspek ang perang P300 na ibinayad sa kanya at tinangay rin ang hawak nitong P200.

Gayunman, naharang siya ng roomboy nang makatunog ang mga ito sa ginawang pananakit ng nasabing suspek sa biktima na nadatnang walang malay.

Nabatid na nagalit ang nasabing suspek sa babae matapos na naging makulit umano ang huli sa paggigiit na ‘bayad muna bago sex’. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

CRUZ

DAHIL

EDWIN EBANGHELLO

ELLEN FERNANDO

GAYUNMAN

HININTAY

INAKALANG

MAKATI CITY

RIZAL AVENUE

WISE MOTEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with