^

Metro

Atienza, hinamon ni Lim sa public debate

-
Hinamon ni dating Interior Secretary Alfredo Lim si Manila Mayor Lito Atienza sa isang public debate upang ipaliwanag ang mga anomalyang kinasasangkutan ng nasabing alkalde hinggil sa kanyang mga proyekto.

Ang nasabing mensahe ay inihayag ni Lim matapos ang ginanap na proclamation rally sa Plaza Miranda sa Quiapo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Sa kanyang talumpati ay hinamon ni Lim si Atienza na ipaliwanag ang ‘overpricing’ ng redevelopment sa Plaza Miranda sa halagang P50 milyon. Sinabi ni Lim na ayon sa isang grupo ng kilala at respetadong engineers at architects, ang estimated cost nito ay dapat na nasa P10 milyon lamang.

Samantala, ang mga parol umano na ginamit noong Kapaskuhan ay nagkakahalaga lamang ng P700 bawat isa subalit ang siningil ni Atienza sa lungsod ay P7,800 kada parol.

Sinabi rin ni Lim na ang mga bagong streetsign posts ay binayaran ng pamahalaang lokal ng P30,000 bawat isa habang ang towing company na ginamit ni Atienza ay nagre-remit lamang ng P200 sa City Hall para sa bawat mato-tow na sasakyan. (Ulat ni Andi Garcia)

ANDI GARCIA

ATIENZA

CITY HALL

HINAMON

INTERIOR SECRETARY ALFREDO LIM

KAPASKUHAN

MANILA MAYOR LITO ATIENZA

MAYNILA

PLAZA MIRANDA

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with