^

Metro

Police Major,1 pa wanted sa pagpatay

-
Isang opisyal ng Philippine National Police at dating pulis na umano’y "bata" nang yumaong "drug lord" na si Don Pepe Oyson ang kapwa hinahanting ngayon ng pulisya, dahil sa pagkakasangkot sa pagpaslang sa pamangkin ni Las Piñas City Mayor Vergel "Nene" Aguilar noong Marso 15, taong kasalukuyan ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa pulisya, isang pulis major na nakatalaga sa Southern Police District (SPD), na pansamantalang hindi binanggit ang pangalan at isang Eddie San Miguel, dating pulis-Las Piñas ang mahigpit na sinusubaybayan makaraang matukoy ng awtoridad na kabilang sa hinihinalang responsable sa pananambang at pagpatay kay Albert "Abet" Aguilar, pangulo ng asosasyon ng mga barangay chairman.

Ang nasabing police major at si San Miguel ay kapwa umano nagtatago sa lalawigan ng Cavite at kalapit na lungsod.

Tinitingnan pa rin ng pulisya ang anggulong paghihiganti ang motibo sa krimen dahil sa may mga nakuhang impormasyon na naanakan umano ni Aguilar ang anak na babae ng suspek na si San Miguel.

Matatandaan na noong Marso 15, dakong alas-12 ng tanghali ay pinagbabaril hanggang sa mapatay ang biktimang si Aguilar sa kahabaan ng CAA Compound, ng nabanggit na lungsod. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

AGUILAR

CITY MAYOR VERGEL

DON PEPE OYSON

EDDIE SAN MIGUEL

LAS PI

LORDETH BONILLA

MARSO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with