Estudyante ni-rape ng P.E. teacher
March 30, 2001 | 12:00am
Sa labis na kahihiyan matapos umanong gahasain ng kanyang P.E. teacher, isang 16-anyos na estudyante sa Tondo, Maynila ang hindi dumalo sa graduation nito kamakalawa.
Kinilala ang biktimang itinago sa pangalang Vangie, 4th year student ng Dr. Juan Nolasco High School sa Choco st., Tondo, habang nakatakas naman at pinaghahanap na ang suspek na si Green Pinca, hindi nabanggit ang tirahan at nagtuturo ng Physical Education subject sa nasabing paaralan.
Sa salaysay ng biktima kay SPO4 Mila Carrasco, ng Womens and Childrens Desk, Pasay City sinabihan siya ng suspek na may outing ang kanilang klase sa Marso 23 at magtatagpo sa isang lugar sa Baclaran.
Dakong alas-12 ng tanghali ng dumating ang biktima at nadatnan ang suspek pero wala ang kanyang mga kaklase. Ayon sa lalaki, maghintay muna sila ng ilang minuto at parating na ang iba pa niyang kaklase.
Nang hindi pa dumarating, sinabi ng lalaki na nauna na marahil ang kanyang mga classmate kaya sinabi nitong sumunod na lamang sila.
Walang kamalay-malay ang dalagita na dadalhin siya sa Anito Lodge Hotel sa Harrison, Pasay City at pagdating sa nabanggit na hotel ay sinabi uli ng suspek na sa lugar na yon naghihintay ang mga kaiskuwela nito dahil dito sila mag-a-outing.
Nang nasa kuwarto na ay nagtaka ang dalagita dahil wala silang nadatnan ni isang kaklase at dito na siya biglang tinutukan ng kutsilyo at sapilitang ginahasa.
Matapos ang panggagahasa ay tinakot ang dalagita na huwag magsusumbong.
Subalit hindi nakayanan ng dalagita ang sinapit kaya nagsumbong ito sa kanyang magulang na nagtungo naman sa principals ofice.
Pero, nagtaka ang biktima dahil bigla na lamang nawala ang suspek sa nabanggit na paaralan kaya dumiretso na lamang sa pulisya ang mag-anak para doon magsampa ng reklamo.
Dahil sa matinding kahihiyan, hindi na umano dumalo ang biktima sa kanyang graduation noong Marso 28. Pinaghahanap na ang suspek na si Pinca. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended