^

Metro

Atienza ayaw ipagamit kay Lim ang Plaza Miranda

-
Tumitindi na ang pulitika sa Maynila at pati lugar na pagdarausan ng proclamation rally ay ipinagdaramot na.

Ito ay matapos umanong hindi payagan ni Manila Mayor Lito Atienza na makapagsagawa ng proclamation rally ang kampo ni mayoralty candidate at dating DILG secretary Alfredo Lim sa "pinaganda" nitong Plaza Miranda sa Quiapo makaraang ma-deny umano ang aplikasyon ng partido ni Lim para gamitin ang nasabing plaza sa Marso 31 sa alas-4 ng hapon.

Ayon kay Roger Gernale, runningmate ni Lim at council majority floorleader, nag-aplay sila ng permit para makapagsagawa ng proclamation rally pero tinanggihan ng walang paliwanag na ibinigay. "Bakit nabili na ba nila ang Plaza Miranda? Akala ko ba ito ang ipinagmamalaki niyang (Atienza) accomplishment eh, bakit natatakot siyang ipagamit ito sa amin," wika ni Gernale.

Gayunman, nakatakda namang ituloy ng partido ni Lim ang nasabing rally kahit tinanggihan ang kanilang request. (Ulat ni Andi Garcia)

vuukle comment

ALFREDO LIM

ANDI GARCIA

ATIENZA

AYON

BAKIT

GAYUNMAN

GERNALE

MANILA MAYOR LITO ATIENZA

PLAZA MIRANDA

ROGER GERNALE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with