^

Metro

Get-away car ng bank robbers may P.5M sa compartment

-
Dobleng buenas ang inabot ng pitong armadong lalaki na tumangay ng isang Mitsubishi Adventure van na iniulat na ginamit sa panghoholdap ng isang banko sa Cavite dahil magkakaroon sila ng mas malaking kita o "bonus" makaraang matuklasan na naglalaman ng P.5 milyon ang sasakyan na kanilang tinangay sa isang negosyante sa Sta. Cruz, Maynila kamakalawa.

Ito ang napag-alaman ng pulisya matapos na ipaalam ng may-ari ng naturang sasakyan na si Jonathan Honrales, 30, ng 1728 P. Guevarra st., Sta. Cruz, makaraang dumulog ito sa tanggapan ni Insp. Ador Arevalo, hepe ng Western Police District-Anti-Carnapping Section.

Sa pahayag ni Honrales kay SPO4 Castor Olguerra, may hawak ng kaso, dakong alas-6 ng umaga kamakalawa nang tutukan ng may apat na di-kilalang armado ng armalite ang family driver ni Honrales na si Valentino Tan, 26, habang nakaparada ang van na may plakang WDD-903 sa harap ng bahay ng naturang negosyante na may P.5 milyon sa loob ng compartment.

Bago tuluyang tumakas ang mga suspek sakay sa kanilang get-away car na Honda Civic na kulay gray na may malabong plaka na W-618, kinuha rin ng mga ito ang kanyang cellphone at pitaka na may P5,000.

Dakong alas-11 ng tanghali kamakalawa rin ay naganap ang isang panghoholdap sa isang sangay ng MetroBank sa Carmona, Cavite at nakatangay ang mga bank robbers ng halagang P129,630 makaraan ang madugong palitan ng putok ng baril sa security guard ng banko na nakilalang si Vicente Saret, Jr. na nasugatan at kasalukuyang nakaratay sa Mother of Perpetual Help sa Las Piñas City.

Sa ginawang follow-up operation ng pulisya, natagpuan ang inabandonang van sa Bangkal, Carmona, Cavite at nabatid na pinalitan na ng ibang plate number.

Nabawi rin ng lokal na pulisya ang salapi sa loob ng isang bag na naglalaman ng halagang P37,596 at isang magazine ng armalite rifle sa loob ng van pero wala na sa compartment ang aabot sa kalahating milyong piso na pambili ni Honrales ng isang truck na gagamitin sa kanyang negosyo.

Malaki ang paniniwala ni Sr. Insp. Arevalo na ang mga suspek ang siya ring nanloob at nangholdap sa Ablaza Pawnshop noong Sabado ng tanghali sa Sampaloc dahil sa may pagkakahawig ang get-away vehicle na ginamit ng mga ito sa kanilang operasyon. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

ABLAZA PAWNSHOP

ADOR AREVALO

CARMONA

CASTOR OLGUERRA

CAVITE

CRUZ

ELLEN FERNANDO

HONDA CIVIC

HONRALES

ISANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with