2 pulis, 3 ex-militar tiklo sa P2.7-M payroll robbery
March 28, 2001 | 12:00am
Dalawang pulis na nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO) at tatlo pang dating militar ang nadakip ng mga operatiba ng Pasig police matapos silang matukoy sa naganap na P2.7 milyong payroll robbery isang linggo na ang nakalilipas.
Kinilala sina PO3 Robert Provido, 35, umanoy lider ng grupo; at PO1 George Colegio, 33, may asawa, nakatalaga sa 1st mobile company ng Regional Mobile Group ng NCRPO. Kapwa residente ang dalawa ng Upper Bicutan, Taguig, Metro Manila.
Bumagsak rin sa Pasig detention cell ang tatlo pang suspek na sina Roland Gomez, 34, ex-Marine ng Blk. 77 Lot 13, Upper Bicutan, Taguig; Bayan Aplan, 35, driver, ex-Army, ng #1008 Cagayan de Oro st., Maharlika Village, Taguig; at Rogelio Naldo, 35, may asawa, na-dismiss na pulis-Muntinlupa at residente ng #007 Cabuntalan cor. Bolibod sts., Maharlika Village, Taguig.
Ayon kay P/Insp. Antonio Paulite III ng Pasig Follow-Up Unit, isang linggo umano nilang minanmanan ang mga suspek matapos ang mga naibigay na impormasyon sa kanila ng ilang impormante.
Narekober sa posesyon ni Gomez ang Mitsubishi L-300 van na ginamit ng mga suspek nang harangin nila ang isang Starex van (WRY-855) na pag-aari ng New York Bay Phil. Inc. noong Marso 19 sa may Jade st., Ortigas Center, Pasig City at tinangay ang P2 milyong payroll money at US$15,000.
Positibong kinilala naman ng mga biktima na sakay ng van at iba pang mga saksi ang mga suspek.
Ayon kay Paulite, tatlo pa umanong kasamahan ng mga ito ang kanilang target ng manhunt at posibleng masakote rin ngayong linggo. Tumanggi naman itong tukuyin ang mga pangalan ng mga pinaghahanap.
Idinagdg pa nito na nakikipag-ugnayan sila ngayon sa ibang istasyon ng pulisya upang mabatid kung responsable rin ang naturang mga suspek sa iba pang insidente ng holdapan.
Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong robbery/hold-up at paglabag sa Omnibus Election Code o Gun Ban. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am