^

Metro

Promo girl, ni-rape na ninakawan pa ng adik

-
Matapos na magpakasasa sa isang promo girl, nagawa pa ng isang adik na pagnakawan ang dalaga sa loob ng inuupahang kuwarto nito, kahapon ng madaling-araw sa San Andres, Maynila.

Nahaharap sa kasong rape with robbery ang suspek na kasalukuyang nakapiit sa Western Police District-Station 6 detention cell na si Joseph Anahan, may asawa at residente ng #2187 Road 5, Fabie Estate, Sta. Ana, Maynila.

Sa salaysay ng biktimang itinago sa pangalang Shiela, 23, promo girl ng beauty products at nakatira sa San Andres, Maynila, dakong alas-4 ng madaling-araw habang mahimbing siyang natutulog sa kanyang kuwarto nang makaramdam ito ng kamay na gumagapang sa kanyang katawan.

Naalimpungatan ang biktima at tumambad sa kanyang harapan ang suspek. Nagtangka ito na sumigaw at manlaban pero tinutukan siya ng patalim at pinagbantaan na papatayin kapag nag-ingay ito.

Matapos gahasain ang biktima ay nagawa pa nitong pagnakawan ang huli ng halagang P1,740 bago tumakas.

Agad humingi ng tulong si Shiela sa pulisya at naaresto ang suspek.

Hinihinala na palaging nakikita ng suspek ang biktima kapag ito ay lumalabas sa kanyang tirahan at pumapasok sa trabaho hanggang sa pagnasaan ito at isagawa ang makamundong pagnanasa. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

ELLEN FERNANDO

FABIE ESTATE

HINIHINALA

JOSEPH ANAHAN

MATAPOS

MAYNILA

NAALIMPUNGATAN

SAN ANDRES

SHIELA

WESTERN POLICE DISTRICT-STATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with