QC Court pansamantalang sarado dahil sa sunog
March 27, 2001 | 12:00am
Kanselado pansamantala ang lahat ng mga pagdinig at promulgasyon sa mga kasong hawak ng mga korte sa Quezon City Regional Trial Court (QCRTC), batay sa kautusan ni QC Executive Judge Monina Zenarosa makaraang makaranas ng pagkasunog ang ikalawang palapag ng QCRTC noong Sabado na ikinasunog ng Judges Lounge at nahagip ang anim na sala ng mga hukom sa nabanggit na korte.
Partikular na tinupok ng apoy ang mga sala rito nina Judge Diosdado Peralta ng Branch 95 at Judge Lucas Bersamin ng Branch 96.
Wala namang mga dokumento ng mga kasong hawak ng mga korte ang nasunog. Wala pang ulat kung kailan magbubukas muli ang mga pagdinig sa korte. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended