Kahero hinoldap, tinodas sa bus

Isang kahero ang pinatay sa saksak ng hindi pa kilalang magnanakaw matapos matagpuan ang bangkay nito sa loob ng isang pampasaherong bus na nakaparada sa isang gasolinahan, kahapon ng madaling araw sa Las Piñas City.

Ang biktimang si Lino Villanueva, 18, cashier ng JETTI gasoline station na matatagpuan sa Marcos Alvarez Ave., Talon 1 nabanggit ng lungsod at nakatira sa Blk 14 Lot 4 Durian st., Golden Acres subd., ay nakita ng kanyang mga kasamahan na tadtad ng saksak sa katawan sa loob ng isang pampasaherong bus na nakaparada sa nabanggit na gasolinahan.

Nadiskubreng nawawala ang susi ng opisina na kinaroroonan ng vault at inaalam na kung may nawalang pera dito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments