^

Metro

Bigong pagnanakaw nauwi sa hostage

-
Matapos ang higit 30 minutong negosasyon, isang 29-anyos na lalaki ang napasuko rin ng pulisya matapos na i-hostage nito ang isang saleslady nang mabigo siya sa pagnanakaw ng mga alahas sa loob ng isang mall, kamakalawa ng hapon sa Mandaluyong City.

Nakilala ang suspek na si Danilo Aguirre, may asawa, walang trabaho at residente ng 27 J. Catacutan st., Bgy. Vergara, Mandaluyong City.

Sa ulat ng pulisya, nabatid na nag-umpisang magpalakad-lakad sa harap ng Times Gallery jewelry shop si Aguirre dakong alas-3 ng hapon sa loob ng Marketplace Mall sa may Gen. Kalentong st., Mandaluyong.

Makaraan ang ilang minuto, bigla na lamang umanong binasag ng suspek gamit ang isang balisong ang salaming estante na naglalaman ng mga alahas.

Agad namang nagsisigaw ang saleslady na si Yvette Sy at si Maureen Mandap, 21, ng 113 San Rafael st., Mandaluyong City. Dito nataranta si Aguirre kaya mabilis nitong dinakma si Mandap at tinutukan ng balisong.

Kinaladkad nito ang biktima patungo sa unang palapag ng mall para tumakas pero agad siyang napaligiran ng mga naalertong security guard at mga rumespondeng pulis na sina PO3 Joselito Bieles at PO1 Gary Fototana.

Isang mahabang negosasyon ang naganap hanggang sa tuluyang makumbinse ng mga pulis na hindi siya masasaktan kapag pinalaya nito ang kanyang hostage. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

AGUIRRE

DANILO AGUIRRE

DANILO GARCIA

GARY FOTOTANA

JOSELITO BIELES

MANDALUYONG CITY

MARKETPLACE MALL

MAUREEN MANDAP

SAN RAFAEL

TIMES GALLERY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with