^

Metro

Asawa ng faith healer tiklo sa estafa

-
Inaresto ng pulisya ang isang ginang na asawa ng isang kilalang faith healer sa bisa ng warrant of arrest matapos na hindi ito dumadalo sa mga pagdinig ng kasong estafa na isinampa sa kanya na nagkakahalaga ng P 1.6 M mga alahas.

Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Alberto Lerma ng Muntinlupa City Regional Trial Court Branch 256, inaresto ng pulisya ang suspek na si Rosalinda Honrado Orbito, 38,na umano ay may tatlong anak sa faith healer na si Alex Jun Orbito at residente ng Lot 4,Adarna St.,Bayan Luma, Sarreal Subd., Imus, Cavite.

Ang suspek ay inaresto matapos na ito ay hindi dumadalo sa pagdinig ng kasong estafa na isinampa ni Ma.Lourdes Villanueva ng Muntinlupa City.

Sa reklamo ni Villanueva na noong Disyembre 1998 ay bumili sa kanya si Orbito ng mga alahas na nagkakahalaga ng P1,636,000 at dalawang post-dated checks ang ibinayad sa kanya.

Nang papapalitan na ni Villanueva ang dalawang tseke sa bangko ay doon lang nito natuklasan na walang pondo sa bangko si Orbito.

Kapag ito ay sinisingil na ni Villanueva ay laging sinasagot ni Orbito na wala pa siyang pera kaya’t napilitan itong magsampa ng kaso.

Nakakulong ang suspek sa Muntinlupa at makakalaya lang ito kapag nakapag-piyansa ng P275,600. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ADARNA ST.

ALEX JUN ORBITO

BAYAN LUMA

JUDGE ALBERTO LERMA

LORDETH BONILLA

LOURDES VILLANUEVA

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

ORBITO

ROSALINDA HONRADO ORBITO

VILLANUEVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with