Pawnshop, 2-minuto lang tinira ng 'Martilyo Gang'
March 25, 2001 | 12:00am
Anim na armadong lalaki na pawang nakasuot ng camouflage at pinaniniwalaang mga kasapi ng kilabot na martilyo gang ang muling sumalakay sa isang pawnshop matapos ang ilang buwang pananahimik at tinatayang may P100,000 halaga ng ibat ibang uri ng alahas ang kanilang natangay sa loob lamang ng mahigit dalawang minutong holdup/robbery, kahapon ng hapon sa Sampaloc, Maynila.
Sa spot report ng Western Police District-Theft and Robbery Section na pinangangasiwaan ni Senior Insp. Eddie Cruz, dakong ala-una ng hapon nang pasukin ng naturang gang ang Ablaza Pawnshop sa Morayta st. kanto ng Nicanor Reyes st., Sampaloc.
Lulan ng isang Honda Civic na kulay abuhin na may plakang WDS-990 ang anim na suspek na pawang armado ng matataas na kalibre ng baril at ipinarada ang kanilang sasakyan sa harapan ng nasabing pawnshop.
Tatlo sa mga suspek ang pumasok sa pawnshop at nagpanggap na mga kostumer hanggang sa magpahayag ng holdap at disarmahan ang security guard na si Morito Sequiera ng Anti-Crime Force Security Agency.
Samantala, ang dalawa naman ay nagpanggap na tumutulong sa pagsasaayos ng takbo ng trapiko habang ang isa ay nakaantabay sa kanilang sasakyan na nakaparada lamang ilang metro ang layo sa naturang pawnshop.
Sa loob lamang ng dalawang minuto, nagawang makulimbat lahat ang naka-display na mga alahas makaraang pagbabasagin ng mga holdaper ang istante at tuluy-tuloy na tumakas sa nakaantabay nilang get-away car at mabilis na pinasibat patungong Quezon City.
Nagsasagawa na ng pursuit operation ang mga kagawad ng WPD para tugisin ang mga suspek. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended