^

Metro

Maliligo sa Manila Bay, binalaan

-
Hindi umano maaaring makapag-swimming ngayong tag-init ang sinuman sa Manila Bay ayon sa pahayag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Sinabi ni Acting Environment Secretary Joemari Gerochi na hindi dapat puntahan at languyan ng mga tao ang Manila Bay dahil sa mataas ito sa coliform content at phospates na maaaring maging sanhi ng ibat-ibang uri ng sakit sa balat.

Ang sinuman na makaka-inom ng tubig kapag naligo dito sa Manila Bay ay maaaring magkaroon ng diarrhea at sakit sa bato na dulot ng E-Coli infection na nagmula sa isang virus mula sa dumi ng tao.

Mataas din umano ang phospates sa nasabing baybayin dahil sa langis at grasa na naitatapon dito.

Ligtas namang kainin ang mga pagkaing dagat sa Manila Bay. (Ulat ni Angie Dela Cruz)

ACTING ENVIRONMENT SECRETARY JOEMARI GEROCHI

ANGIE DELA CRUZ

BAY

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

E-COLI

LIGTAS

MANILA BAY

MATAAS

SINABI

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with