^

Metro

Truck driver inutas ng jeepney driver

-
Ang pag-overtake ng isang truck driver sa isang pampasaherong jeep ang naging kamatayan nito matapos magalit ang driver ng jeep at dalawang kasama kaya’t pinagpapalo ito ng tubo sa ulo kahapon ng madaling araw sa Valenzuela City.

Namatay noon din sa lugar ng insidente sanhi ng pagkabasag ng bungo at pagkahati ng mukha ang biktimang si Rolando Cruz,43,residente ng Gen.Luis St.,Caloocan City.

Samantalang pinaghahanap ng pulisya ang tatlong hindi pa nakikilalang mga suspek na sa pagmamadaling makatakas ay naiwan ang kanilang pampasaherong jeep na may plakang DKE-460.

Sa pagsisiyasat ni Insp.Buddy Dela Cruz-may hawak ng kaso na dakong alas-4:30 ng madaling araw ay kapwa binabagtas ng biktima ang kanyang truck na may plakang WEP-130 at ng mga suspek ang kahabaan ng Paso de Blas ng nasabing lungsod.

Bigla na lamang umanong inovertake ng biktima ang jeep ng mga suspek na naging dahilan para ang mga ito ay magalit.

Hinabol ng mga suspek ang biktima at nang maabutan ito sa harap ng Family Royal Mall ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang sa kumuha ng tubo ang mga una at pinagtulungang pagpapaluin sa ulo ang walang labang biktima na naging sanhi ng kamatayan nito.

Pinangako naman ng pulisya sa pamilya ng biktima na agad nilang maaaresto ang mga suspek dahil sa sasakyan na inabandona ng mga ito. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

BIGLA

BUDDY DELA CRUZ

CALOOCAN CITY

FAMILY ROYAL MALL

GEMMA AMARGO

HINABOL

LUIS ST.

ROLANDO CRUZ

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with