Obrero tinodas ng sekyu dahil sa pang-aasar
March 24, 2001 | 12:00am
Isang 25-anyos na construction worker ang nasawi makaraang pagbabarilin ng isang security guard makaraang mapikon ito sa ginawang pang-aasar ng una sa tapat ng ginagawang gusali sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.
Anim na tama ng bala ang naglagos sa dibdib at katawan ng biktimang si Jerry Obinita, binata, ng Dynamic Construction Corp. at residente ng Camba st., Tondo.
Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na kinilalang si Christian Amparo, ng Adique Security Agency na tumakas makaraang isagawa ang insidente.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ni Detective Solomon Bataller, imbestigador ng Western Police District-Homicide Section dakong alas-7 ng umaga nang maganap ang pamamaril ng suspek kay Obinita sa tapat ng ginagawang gusali sa Elcano st., Tondo.
Nabatid sa pagsisiyasat ng pulisya na kamakalawa pa lamang ng gabi ay nangangantiyaw na ang biktima na ikinapikon naman ni Amparo.
Kahapon, nang magkitang muli ang dalawa sa ground floor ng gusali ay hinarap ito ng suspek subalit tinalikuran lamang siya ng biktima.
Lumabas ng gusali si Obinita pero sinundan siya ni Amparo at pagsapit sa tagiliran ng gusali ay walang habas na pinagbabaril ito sa dibdib. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended