^

Metro

2 pulis na 'protektor ng cellphone gang kinasuhan

-
Pormal nang sinampahan ng kaso sa Quezon City Prosecutors office ang dalawang miyembro ng CPD Station 11 na mga umanoy protektor at sangkot sa pagpatay sa dalawang snatcher at pagkasugat ng isa pa na pawang mga miyembro ng cellphone gang sa Quezon City.

Nakakuha ng probable cause ang korte kaya’t kinasuhan ng homicide at child abuse si PO1 Socrates Galvez habang si PO2 Ruel Yepes ay nahaharap sa kasong 2 counts of murder at frustrated murder.

Nakahandang palayain ng piskalya sina Galvez kung makakapagpiyansa ito ng halagang P300,000 sa mga kaso nito habang si Yepes ay sa halagang P104,000.

Magugunita na noong Miyerkules ay binaril at napatay ni Yepes sina Francis Mijares,15 at Richard Embile habang malubhang nasugatan si Joel Deceo matapos na mahuling inagawan ng mga ito ng Nokia 3310 ang isang Melvin Pala sa kahabaan ng E. Rodriguez kanto ng Araneta Avenue, Quezon City.

Subalit itinuro ni Gng.Yolanda Deceo,ina ni Joel na si Galvez ang utak at nag-utos sa mga biktima na mang-agaw ng cellphone para umano mairegalo sa kanilang mga kasintahan.

Ang mga suspek ay kasalukuyang nakapiit sa CPD-CID detention cell sa Kampo Karingal. (Ulat ni Angie Dela Cruz)

ANGIE DELA CRUZ

ARANETA AVENUE

FRANCIS MIJARES

GALVEZ

JOEL DECEO

KAMPO KARINGAL

MELVIN PALA

QUEZON CITY

QUEZON CITY PROSECUTORS

RICHARD EMBILE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with