^

Metro

Bading na guro nang-molestiya ng 4 estudyante

-
Isang bading na guro ang inaresto ng mga operatiba ng Western Police District dahil sa umano’y pambababoy nito sa kanyang apat na estudyanteng lalaki kapalit ng pangakong ipapasa ang mga biktima sa kanilang Science subject sa Tondo, Maynila kahapon ng umaga.

Nahaharap sa kasong act of lasciviousness at child abuse sa Manila Prosecutor’s Office ang suspek na si Robert Fordan, Science teacher ng Tondo High School at nakatira sa Rawis st., Tondo.

Ang pagkakaaresto sa suspek ay base sa reklamong isinampa ng mga estudyanteng tinago sa mga pangalang Jay at Christopher, kapwa 14 anyos at nakatira sa Quezon st.; Gilbert, 13, ng Panday Pira st. at Melber, 13, ng Capulong st., pawang ng Tondo.

Ayon kay WPD Balut police station 1 commander Supt. Danilo Pelisco, sinabi ng mga biktima na pinangakuan sila ng suspek na ipapasa sa kanilang asignatura kapag pumayag ang mga ito na makipag-oral sex sa suspek. Sa takot na bumagsak ay napilitan silang sundin ang hinihingi ng suspek.

Inisa-isa umano sila sa magkakahiwalay na petsa nitong Marso at isinasagawa ang kababuyan sa loob ng banyo ng naturang paaralan kapag nakauwi na ang halos lahat na mga estudyante at mga guro.

Kahapon ng madaling araw dakong alas-12:35 ng madaling araw sa bisa ng warrant of arrest ay inaresto si Fordan sa bahay nito. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

AYON

CAPULONG

DANILO PELISCO

ELLEN FERNANDO

MANILA PROSECUTOR

PANDAY PIRA

ROBERT FORDAN

TONDO HIGH SCHOOL

WESTERN POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with