^

Metro

Ipa-drug test mo ang anak mo! - Rep. Herrera kay Jawo

-
Para mapatunayan na hindi adik ang kanyang anak, dapat umanong ipa-drug test ni Sen. Robert Jaworski ang anak nitong si Ryan Joseph Jaworski sa Dangerous Drugs Board.

Ayon kay Bohol Rep. Ernesto Herrera, tama lamang na sumailalim sa drug test ang anak ng senador matapos lumabas sa mga pahayagan na tinutugis ng mga tauhan ng Drugs Enforcement Unit (DEU) ng Makati police ang anak nito dahil sa pagkakasangkot nito sa droga.

"Bilang isang halal na senador, dapat na magpakita ng magandang halimbawa si Sen. Jaworski at boluntaryo niyang ipa-drug test ang kanyang anak," ani Herrera.

Kung mapapatunayan umanong negative naman sa ipinagbabawal na gamot si Ryan Joseph ay walang dahilan upang isailalim pa ito sa imbestigasyon ng pulisya.

Subalit kung mapapatunayan naman umanong gumagamit nga ito ng ipinagbabawal na droga ay dapat itong isailalim sa drug treatment at dalhin sa isang rehabilitation center.

Inimbitahan ng Makati police si Ryan Joseph Jaworski upang mabigyang-linaw ang balita na tinangka niyang bumili ng shabu sa isang drug pusher na nagngangalang Michael Calimbahin na naaresto noong Lunes.

Hindi umano alam ng batang Jaworski na nang tangkain nitong bumili ng shabu kay Calimbahin kasama ang isang babae ay under surveillance na ito ng PNP.

Nang palibutan na umano ng mga pulis si Calimbahin habang pinagbibilhan nito ng shabu si Ryan Joseph ay nagpakilala ang huli na anak ni Sen. Jaworski.

Pagkabigay umano ni Ryan Joseph ng kanyang business card sa mga pulis ay bigla itong tumakas sakay ng kanyang Ford F150.

Sa isang TV interview ay sinabi naman ni Sen. Jaworski na hindi tumakas sa mga pulis ang kanyang anak dahil kung tatakas umano ito ay hindi na mag-iiwan ng kanyang calling card. (Ulat ni Marilou Rongalerios)

vuukle comment

ANAK

BOHOL REP

CALIMBAHIN

DRUGS BOARD

DRUGS ENFORCEMENT UNIT

ERNESTO HERRERA

JAWORSKI

MAKATI

RYAN JOSEPH

RYAN JOSEPH JAWORSKI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with