Ayon kay PO1 Celia Domingo ng Womens and Childrens Desk section, inireport sa kanilang tanggapan kahapon ng mga kaanak ang magkakasabay na pagkawala ng mga biktimang sina Morielyn Finez, 17; Jemica Joy Montinola, 15; Jonalyn Aspe, 18; Cheryl Subido, 14 at Jenny Anog, 19, pawang ng Bgy. West Rembo.
Umaasa ang nag-aalalang mga kaanak ng mga biktima na walang masamang nangyari sa mga ito at hindi napunta sa mga kamay ng sindikatong nagbebenta ng mga kabataang babae. (Ulat ni Lordeth Bonilla)