5 bebot misteryosong nawala
March 21, 2001 | 12:00am
Naalarma ang mga kagawad ng Makati police hinggil sa magkakasabay at misteryosong pagkawala ng limang kabataang babae na pawang estudyante noong Marso 14 taong kasalukuyan sa Bgy. West Rembo, Makati City.
Ayon kay PO1 Celia Domingo ng Womens and Childrens Desk section, inireport sa kanilang tanggapan kahapon ng mga kaanak ang magkakasabay na pagkawala ng mga biktimang sina Morielyn Finez, 17; Jemica Joy Montinola, 15; Jonalyn Aspe, 18; Cheryl Subido, 14 at Jenny Anog, 19, pawang ng Bgy. West Rembo.
Umaasa ang nag-aalalang mga kaanak ng mga biktima na walang masamang nangyari sa mga ito at hindi napunta sa mga kamay ng sindikatong nagbebenta ng mga kabataang babae. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest