^

Metro

Rookie cop na pumatay ng ka-buddy kinasuhan ng murder

-
Sinampahan na ng kasong murder sa Pasig City Prosecutor’s Office ang bagitong pulis na umubos ng bala ng kanyang baril sa kapwa niya pulis na kanyang ka-buddy-buddy sa loob ng kanilang istasyon, kamakalawa ng gabi sa Pasig City.

Kasalukuyang nakadetine ngayon sa Pasig detention cell ang suspek na si PO1 Winter Jose, 28. Napatay nito ang kanyang kaklase sa Police Basic Course na si PO1 Jhonbert Contaoi, kung saan kapwa sila nakatalaga sa Pasig Police Community Precint 4 sa may Ortigas Avenue Extension, Bgy. Sta. Lucia.

Sa ulat ng pulisya, nagkukuwentuhan si Jose kasama ang dalawa pang pulis sa loob ng naturang istasyon dakong alas-8:30 ng gabi nang dumating si Contaoi na malungkot.

Nang tanungin ito ni PO3 Arnel Foronda, nabanggit umano ng biktima ang kanyang patung-patong na problema sa kanyang pamilya at sa kasong administratibo na kanyang kinakaharap.

Habang kumakain sila ng kanilang hapunan sa loob ng istasyon, bigla na lamang umanong nagkasigawan ang dalawang pulis. Bago pa nila maawat ang dalawa, agad nang nakabunot ng kanyang baril si Jose at inubos ito sa katawan ng kanyang kaibigan na akma rin umanong bumunot ng kanyang kalibre .9mm service pistol.

Agad na isinugod ng kanyang mga kapwa pulis si Contaoi sa Pasig City General Hospital ngunit hindi na umabot pa ng buhay. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ARNEL FORONDA

CONTAOI

DANILO GARCIA

JHONBERT CONTAOI

KANYANG

ORTIGAS AVENUE EXTENSION

PASIG CITY

PASIG CITY GENERAL HOSPITAL

PASIG CITY PROSECUTOR

PASIG POLICE COMMUNITY PRECINT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with