^

Metro

Testigo pa sa Claudine rape-slay lumantad

-
Bukod sa testigong hawak ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI), isa pang saksi ang nakunsensiya at lumantad upang magbigay ng pahayag hinggil sa ginawang panggagahasa at pagpatay ng mga suspek sa De La Salle graduate na si Claudine Feliciano.

Ito ang nabatid kahapon kay Parañaque City Chief of Police, Supt. Ronald Estilles.

Napag-alaman sa saksing hawak ngayon ng pulisya na hindi binanggit ang pangalan, nasaksihan niya kung paano itinapon ang hubo’t hubad na bangkay in Feliciano matapos itong matagpuan noong Linggo, Marso 11, ng taong kasalukuyan, dakong alas-11 ng umaga sa ilalim ng tulay ng Bgy. San Antonio Valley, Parañaque City.

Ayon sa saksi, labis umano siyang nakukunsensiya sa sinapit ni Claudine at hindi siya makatulog kaya’t lumantad siya upang magbigay ng pahayag.

Bukod sa saksing hawak ngayon, nakakuha pa rin ng positibong lead ang mga kagawad ng Parañaque City matapos ibigay ang video camera ng Ayala Alabang Town Center, Muntinlupa City, ang lugar na pinuntahan ni Feliciano upang makipagtagpo sa mga kaibigan nito noong Sabado ng gabi. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYALA ALABANG TOWN CENTER

BUKOD

CITY CHIEF OF POLICE

CLAUDINE FELICIANO

DE LA SALLE

FELICIANO

LORDETH BONILLA

MUNTINLUPA CITY

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

RONALD ESTILLES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with