4-taon hatol sa 2 Ozone owners
March 17, 2001 | 12:00am
Matapos ang apat na taon ay nabigyan na rin ng hustisya ang pagkatusta ng mga biktima ng Ozone Disco tragedy noong March 18, 1996 matapos mahatulan ng apat na taong pagkakulong ang dalawang may-ari ng nasabing disco house, kahapon.
Sa 100-pahinang desisyon ni Quezon City Regional Trial Court Judge Ofelia Marquez, napatunayang nagkasala sa kasong reckless imprudence resulting to homicide at multiple injuries ang mga akusadong sina Hermilo Ocampo at Ramon Ng. Pinagbabayad din ang dalawa ng halagang P50,000 sa bawat biktima na namatay sa trahedya.
Samantala, pinawalang-sala naman ng korte ang mga kasosyo sa disco club na sina Racquel Ocampo, Alfredo Chua, Rosita Ku at Sonny Ku dahil nabigo ang taga-usig na patunayan na nagkasala ang mga ito.
Sa nabanggit na trahedya, 162 ang namatay, 94 ang nasugatan at walo ang hindi na nakita ang labi.
Nakita ng korte na hindi nabigyang pansin ng mga akusado na maglagay ng safety device ang disco house para sa mga kostumer tulad ng kawalan ng fire exit at overload sa paggamit ng kuryente.
Sa panig naman ni Oscar Santos, chairman ng Justice for Ozone, kumbinsido na rin sila sa naging hatol ng hukuman.
Gayunman, mas mabibigyan umano ng higit na hustisya ang mga nasawi sa trahedya kung pati ang mga opisyales ng QC hall ay maparurusahan din sa insidente. (Ulat nin Angie Dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest