^

Metro

Ina tiklo sa pagbebenta ng sariling anak

-
Isang dalagang ina ang inaresto matapos nitong ibenta ang 3-taong-gulang na anak na lalaki sa isang guwardiya sa halagang P3,000, kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Kinilala ni C/Insp. Angelita Alvarico, hepe ng Women’s and Children’s Section ng Makati police ang suspek na si Lorna dela Cruz, walang trabaho at nakatira sa #1279 Basilio st., Sampaloc, Maynila.

Ayon sa guwardiyang si Eduardo Gavino, 27, nakatalaga sa Avigor Tower Condominium sa Dela Costa st., Salcedo Village, nasabing lungsod, dakong alas-9 kamakalawa ng gabi habang nagbabantay siya sa nabanggit na kumpanya ng lapitan siya ni dela Cruz at aluking bilhin ang anak ng suspek na kinilala sa pangalang Jayson.

Tumanggi si Gavino at pinayuhan si dela Cruz na iuwi na lamang ang bata at huwag itong ipagbibili, pero mapilit ang babae at ipinangalandakan nitong ibenta ang anak.

Nang makulitan na ang guwardiya ay tumawag na ito ng pulis at ipinaaresto ang babae hanggang sa dalhin sa police station ang ina.

Ang bata ay nasa pangangalaga ng Makati Social Services Department habang ang ina nito ay nakatakdang sampahan ng kasong child abuse. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ANGELITA ALVARICO

AVIGOR TOWER CONDOMINIUM

AYON

CRUZ

DELA COSTA

EDUARDO GAVINO

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI SOCIAL SERVICES DEPARTMENT

SALCEDO VILLAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with