Preso nang-agaw ng baril ng escort, todas
March 13, 2001 | 12:00am
Isang preso na nakatakda sanang iharap sa piskalya ang nabaril at napatay matapos umano nitong agawin ang baril ng kanyang escort habang sakay ng mobile car sa tapat ng Navotas police station, kahapon ng tanghali.
Hindi na umabot ng buhay sanhi ng isang tama ng bala ng baril sa sintido sa Tondo Medical Center si Larry Goson, 37, ng #47 Castillas st., Tangos nasabing bayan.
Ayon kay SPO2 Milo Tengson ng Navotas police dakong alas-12:10 ng tanghali ng maganap ang insidente sa harapan ng headquarters habang nakasakay sa loob ng mobile car no.375 ang biktima kasama ang mga escort nitong sina PO1 Sandy Palcotilla at Insp. Redante Ariza.
Napag-alaman na patungo ang tatlo sa piskalya para ipagharap ang akusado sa kaso nitong illegal possession of deadly weapons and live ammunition sakay ng nasabing patrol car ng bigla na lamang umanong agawin ni Goson ang baril ni Palcotilla.
Dahilan dito kaya nagkaroon ng komosyon sa loob ng sasakyan na agad namang napansin ni SPO1 Dante Cruz na mabilis lumapit at agad pinaputukan ang biktima na tinamaan sa sintido.
Ayon sa pulisya, si Goson ay dinakip noong Sabado ng gabi sa kahabaan ng D. Ablona st. bunsod ng sumbong ng mga residente dito dahilan sa pagdadala ng mga armas at bala ng suspek.
Samantala, isinailalim naman sa technical arrest ang tatlong pulis habang patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon sa tunay na nangyari sa nasabing insidente. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest