Ginang tinutukan ng baril ng NAIA police, inatake sa puso, patay
March 13, 2001 | 12:00am
Isang miyembro ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Police ang inaresto kamakalawa ng gabi matapos umano itong maging dahilan ng heart attack at pagkamatay ng isang 57-anyos na ginang na kanyang tinutukan ng baril sa Quezon City.
Ang suspek na si Michael Bautista, 36, ng #26 Cairo st., Sta. Rita Village, QC ay kasalukuyang nakakulong sa Central Police District headquarters at nahaharap sa mga kasong direct assault at grave threat resulting to homicide.
Ang biktima na kinilalang si Milagros Maldo, residente ng Shorthorn st., Project 8, ay idineklarang patay sa QC General Hospital, matapos dumanas ng atake sa puso makaraang tutukan ng baril ng suspek.
Sa paunang imbestigasyon, lumalabas na ang insidente ay naganap dakong alas-10 ng gabi sa loob ng Traffic Sector sa Project 8.
Nabatid na si Bautista ay nasa loob ng opisina at tinatanong hinggil sa minor vehicular accident na kinasangkutan nito sa isang tricycle.
Ayon sa pulisya, ang suspek na inireport na nakainom, ay nagmamaneho ng kanyang kotseng may plakang NJR-280 nang aksidenteng mahagip ang isang tumatakbong tricycle na minamaneho ni Serafin Labayo, 36.
Habang iniimbestigahan sa loob ng Traffic Sector, nagsimula umanong magwala ang suspek at inumpisahang tutukan ang mga taong naroon.
Nang mga sandaling yon ay biglang pumasok sa nasabing tanggapan si Maldo para magtanong sa isang officer nang biglang tutukan ng baril ng suspek.
Agad nawalan ng malay at bumagsak sa sahig si Maldo at isinugod sa ospital kung saan ito binawian ng buhay nang gabi ring yon. (Ulat ni Matthew Estabillo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended