^

Metro

Babae ni-rape/slay bago itinapon sa ilalim ng tulay

-
Pinaniniwalaang ginahasa, pinahirapan bago pinatay sa sakal ang isang magandang babae, matapos matagpuan ang hubo’t hubad na katawan nito na nakatali ang mga kamay ng stocking sa ilalim ng tulay ng Barangay San Antonio, Parañaque City.

Habang sinusulat ang balitang ito, wala pang pagkakakilanlan sa biktima maliban sa mahabang buhok nito, tinatayang nasa edad na 18-anyos pababa, may taas na 5’2" hanggang 5’4" at mayroong balat sa kaliwang braso.

Ayon kay P/Sr. Inspector Wilfredo Calderon, commander ng Presinto 4, Parañaque City Police, nakatanggap sila ng tawag mula sa telepono sa ilang residente ng Valley, Barangay Sa Antonio ng nabanggit na lungsod na isang hubo’t hubad na bangkay ng babae ang natagpuan sa nabanggit na lugar dakong alas-8:30 kahapon ng umaga.

Dahil dito, mabilis na rumesponde ang mga pulis sa naturang lugar at nakita nila ang nakakaawang itsura ng biktima.

Posible aniyang kamakalawa ng gabi lamang isinagawa ang pagpatay sa biktima ng hindi pa kilalang salarin, dahil malambot pa ang bangkay nito nang matagpuan ng mga residente sa nabanggit na lugar. Sa ngayon ay masusing iniimbestigahan ang nasabing kaso. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

AYON

BARANGAY SA ANTONIO

BARANGAY SAN ANTONIO

CITY POLICE

DAHIL

HABANG

LORDETH BONILLA

PINANINIWALAANG

POSIBLE

SR. INSPECTOR WILFREDO CALDERON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with