Hapones ayaw hiwalayan ng misis nag-suicide
March 12, 2001 | 12:00am
Isang 75-anyos na Hapones ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili makaraang ibasura ng kanyang Haponesang asawa mula sa bansa ng Japan ang inialok ng biktimang diborsiyo kamakalawa ng gabi sa bayan ng Taguig.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagbaril sa ulo na si Mitsuo Tsutsumi ng 93-B2 Bagsakan Avenue panulukan ng Mango Road, Agro Industrial Commercial State, FTI Complex. brgy. Western Bicutan ng bayang ito.
Si Tsutsumi ay isang consultant ng Well Drilling Company bago nagpasyang mag-suicide dahil sa ibinasura ng kanyang misis na Haponesa ang inialok niyang diborsiyo sa bansang Japan.
Base sa ulat ng pulisya, huling nakipag-kuwentuhan at nakipag-inuman ng alak ang biktima kay Angelo Cacheco Jr., 22, isang messenger ng nasabing kompanya ang problema nito sa asawang Haponesa.
Naglasing umano ang biktima dahil sa ibinalik ng asawang Haponesa ng biktima ang mga papeles na kanyang ipinadala na may kaugnayan sa pakikipaghiwalay.
Dahil sa hindi matanggap ang pangyayari, dakong alas 8:30 ng gabi, kamakalawa ay kinuha ng biktima ang baril na kalibre 22 at pinagbabaril ang loob ng kuwarto bago nagbaril sa ulo na naging dahilan ng kanyang kamatayan.
Mabilis namang ipinagbigay-alam Cacheco sa mga awtoridad ang pangyayari at kasalukuyang sinisiyasat kung ito nga ay nagbaril sa sarili. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended