^

Metro

Graduating college student pinagsasaksak habang pauwi

-
Hindi akalain ng mga magulang ng isang 23-anyos na binata na di na makakaakyat sa entablado ang kanilang anak na magtatapos sa kolehiyo, makaraang pagsasaksakin ito ng di kilalang lalaki habang papauwi, kamakalawa ng gabi sa Sta. Cruz, Maynila.

Ang biktimang si Alvin Inocencio, binata, estudyante ng Philippine Maritime Institute (PMI), may kursong customs administration at residente ng Villa Susana, Caniogan, Pasig City ay bigla na lamang pinagsasaksak habang naglalakad sa kahabaan ng Tomas Pinpin st., nasabing lugar dakong alas-7 ng gabi.

Sa imbestigasyon ni Western Police District Homicide Division detective Edmundo Cabal, ilang saksi ang nakakita sa biglang pagsulpot ng suspek at agad pagsasaksakin sa dibdib ang biktima.

Tumakbo papalayo ang biktima hawak-hawak ang dibdib nito at ilang segundo lamang ay bumagsak ito.

Masusi nang sinisiyasat ng pulisya kung si Inocencio ay biktima ng holdap o kasapi ng isang fraternity.

Napag-alaman na nakatakdang gumradweyt ang biktima ngayong Marso. (Ulat ni Grace Amargo)

ALVIN INOCENCIO

CANIOGAN

CRUZ

EDMUNDO CABAL

GRACE AMARGO

PASIG CITY

PHILIPPINE MARITIME INSTITUTE

TOMAS PINPIN

VILLA SUSANA

WESTERN POLICE DISTRICT HOMICIDE DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with