Health permit ire-require sa pagtatayo ng cell sites

Upang proteksyunan ang kalusugan ng mga mamamayan sa Makati laban sa radiation, nagbabala kahapon ang Makati City Council sa lahat ng telecommunication companies na hindi sila maaaring makapagpatayo ng panibagong cell sites kapag walang kaukulang permit mula sa health department.

Base sa City Ordinance 2001-003, na nilagdaan ni Mayor Elenita S. Binay, oobligahin ng lungsod ang mga cellular phones na kumuha muna ng permit mula sa health department bago magtayo ng kanilang cell sites para mapangalagaan naman ang kalusugan ng mamamayan sa peligrong idudulot ng radiation mula rito.

Ipinabatid ni Mayor Binay na lumabas sa mga pag-aaral na nakakaapekto sa kalusugan ang matagal na pagka-exposed sa radiation na nagmumula sa communication towers at base transceiver stations o cell sites ng telecommunications companies.

Partikular na sinasakop ng ordinansa ang mga structures, towers at platforms na mayrong pasilidad ng komunikasyon tulad ng antennae na may frequency range na 100 kilohertz hanggang 300 gigahertz gayundin ang cell sites na may frequency na 900 megahertz.

Papatawan ng multang P5,000 at withholding, revoke o non-renewal ng business o building permits. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments